Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

Magandang Balita

Tuwing Pasko naglalagay kami ng iba’t-ibang uri ng sabsaban na galing sa iba’t-ibang bansa. Meron kaming sabsabang galing sa Germany na hugis tatsulok na parang pyramid, isang yari sa olibo na galing pa sa Betlehem, at makulay na sabsaban na galing naman sa Mexico. Ngunit ang paborito ng aming pamilya ay ang galing sa Africa, dahil sa halip na mga…

Pribilehiyo Ng Pananalangin

Ginawang inspirasyon ng mang-aawit na si Chris Stapleton ang panalangin para sa kanya ng kanyang ama. Sa paggawa ng kantang “Daddy Doesn’t Pray Anymore,” (Hindi na Nananalangin si Tatay.) Nakasaad sa kanta ang dahilan kung bakit hindi nakapagdadasal ang ama: Hindi dahil sa pagkabigo o sa pagkapagod, kundi dahil sa pagpanaw ng kanyang ama. Iniisip na lamang ni Stapleton na personal…

Matamis Na Bunga

May kasamang ubasan ang bahay na nabili namin. Dahil doon, pinag-aralan naming pamilya kung paano ito aalagaan at palalaguin. Nang dumating na ang panahon ng aming unang pag-ani, pumitas ako ng isang ubas at tinikman ito. Pero nadismaya ako dahil maasim ang lasa nito.

Ang pagkadismayang naramdaman ko ay katulad ng mababasa sa Aklat ni Isaias sa Biblia. Inihalintulad dito…

Pag-asa Mula Sa Dios

Maysakit ako na tinatawag na SAD o Seasonal Affective Disorder. Isa itong karamdaman na karaniwan sa mga taong nakatira sa mga lugar na nagkakaroon ng niyebe. Isa itong uri ng sakit kung saan nakakaramdam ako ng matinding lungkot tuwing panahon ng taglamig dahil natatakot ako na baka hindi na tumigil ang panahong ito.

Pero tuwing nagsisimula na ang panahon ng…

Totoong Pag-ibig

Namangha ako sa libu-libong kandadong nakasabit sa tulay ng Pont des Arts sa Paris. Nakaukit sa mga kandadong ito ang mga inisyal ng mga pangalan ng magkasintahang nagmamahalan. Simbolo ng wagas at walang hanggang pag-ibig ang bawat kandado. Noong 2014, tinatayang umabot na sa limampung tonelada ang timbang ng lahat ng mga kandadong nakasabit sa tulay. May bahagi na ng…